Kings pasok sa In-Season quarterfinals

Malik Monk.
AFP

SACRAMENTO, Calif., Philippines — Isinalpak ni Malik Monk ang isang fadeaway sa huling pitong segundo para itakas ang Kings laban sa Golden State Warriors, 124-123, papasok sa quarterfinals ng In-Season Tournament.

Winalis ng Sacramento (10-6) ang kanilang grupo sa 4-0 record at haharapin ang New Orleans Pelicans (9-9) quarterfinals.

Ang tipin ni Andrew Wiggins ang nagbigay sa Golden State (8-10) ng five-point lead sa huling 59 segundo.

Ngunit kumonekta si De’Aaron Fox ng isang free throw kasunod ang three-pointer ni Monk para sa 122-123 agwat ng Kings matapos ang turnover ni Stephen Curry sa panig ng Warriors.

Ang turnover ni Draymond Green sa posesyon ng Golden State ang nag­resulta sa go-ahead shot ni Monk na nagpanalo sa Sacramento.

Sa Boston, kumamada si Jaylen Brown ng 30 points habang may 21 markers si Jayson Tatum sa 124-97 panalo ng Cel­tics (14-4) sa Chicago Bulls (5-14) patungo sa In-Season quarterfinals.

Sa Miami, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 33 points kasunod ang 32 markers ni Damian Lillard sa 131-124 pagdaig ng Milwaukee Bucks (13-5) sa Heat (10-8) papasok sa quarterfinals ng In-Season.

Show comments