^

PM Sports

Tropang Giga, Bolts kakalas sa tanikala

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Tropang Giga, Bolts kakalas sa tanikala
Rondae Hollis-Jefferson delivered a sparkling 42-point, 11-rebound performance in the closeout game.
PBA Images

MANILA, Philippines — Magpapangbuno ang sister teams na Talk ‘N Text at Meralco habang nais ng reigning champion na Barangay Ginebra na maipagpatuloy ang winning streak kontra sa Blackwater sa 2023 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sasalang ang Tropang Giga at Bolts sa alas-3 ng hapon bago ang sagupaan ng Gin Kings at Bossing sa alas-6:15 ng gabi halos kalahati na sa import-spice tourney bilang unang conference ng PBA sa Season 48.

Tabla sa tersera ang TNT at Meralco kasama ang Ginebra hawak ang parehong 2-1 kartada kaya kung sino man ang lulusot ay makakaakbay ang Phoenix Super LPG na nasa solo segunda puwesto ngayon bitbit ang 3-1 baraha sa likod ng perpektong Magnolia (4-0).

Kagagaling lang ng TNT sa higanteng 133-93 panalo kontra sa Terrafirma para sa ikalawang sunod na panalo nito habang ang Meralco ay tumaob sa San Miguel 93-83, para sa unang pagkatalo nito.

Bibida sa banggaan ang mga imports na sina Rondae Hollis-Jefferson ng TNT at Suleiman Bra­moh Jr. ng Meralco.

Sa kabilang banda, hindi paaawat ang Gin Kings kontra sa Bossing sa pangunguna ng dati ring Meralco import na si Tony Bishop na ginabayan sila sa 107-102 panalo kontra sa Rain or Shine.

May 2-1 marka din ang Ginebra na ang nag-iisang talo ay galing sa Magnolia, 93-91, matapos ang 100-86 debut win kontra sa Converge habang nasa kasagsagan ng tatlong sunod na kabiguan ang Blackwater.

Sa pamumuno ng import na si Chris Ortiz, gigil ang Blackwater na makabangon matapos ang pambihirang 103-84 debut win kontra sa Converge, ay tumiklop sila laban  sa Meralco, 91-84, Terrafirma, 97-87, at Phoenix, 111-106.

vuukle comment

TALK ‘N TEXT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with