MEMPHIS, Tenn., Philippines — Bumitaw si Devin Booker ng season-high 40 points habang may 20 markers si Eric Gordon para giyahan ang Phoenix Suns sa 110-89 pagpulutan sa Grizzlies sa NBA In-Season Tournament.
Nag-ambag sina Jordan Goodwin at Grayson Allen ng tig-14 points para sa Phoenix (10-6) na naglaro na wala sina leading scorer Kevin Durant at Bradley Beal.
Ito ang kanilang ikaanim na sunod na ratsada ng Suns sapul nang bumalik si Booker mula sa isang calf injury at may 3-1 record sila sa In-Season Tournament.
Umiskor si Santi Aldama ng 21 points para sa ikatlong dikit na kabiguan ng Memphis (3-12) na nakahugot kay Derrick Rose ng 17 markers.
Sa Orlando, tumipa si Moritz Wagner ng 27 points sa 113-96 panalo ng Magic (11-5) sa Boston Celtics (12-4).
Sa New York, naglista si Jalen Brunson ng 24 points at may 20 markers si Immanuel Quickley sa 100-98 paglusot ng Knicks (9-6) sa Miami Heat (10-6).
Sa Toronto, kumamada si O.G. Anunoby ng season high 26 points at may 18 markers si Pascal Siakam sa 121-108 pagdaig ng Raptors (8-8) sa Chicago Bulls (5-12).