^

PM Sports

Booker pasikat sa Suns vs Grizzlies

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn., Philippines — Bumitaw si Devin Booker ng season-high 40 points habang may 20 markers si Eric Gordon para giyahan ang Phoenix Suns sa 110-89 pagpulutan sa Grizzlies sa NBA In-Season Tournament.

Nag-ambag sina Jordan Goodwin at Grayson Allen ng tig-14 points para sa Phoenix (10-6) na nag­laro na wala sina leading scorer Kevin Durant at Bradley Beal.

Ito ang kanilang ika­anim na sunod na ratsada ng Suns sapul nang buma­lik si Booker mula sa isang calf injury at may 3-1 re­cord sila sa In-Season Tournament.

Umiskor si Santi Aldama ng 21 points para sa ikatlong dikit na kabiguan ng Memphis (3-12) na nakahugot kay Derrick Rose ng 17 markers.

Sa Orlando, tumipa si Moritz Wagner ng 27 points sa 113-96 panalo ng Magic (11-5) sa Boston Celtics (12-4).

Sa New York, naglista si Jalen Brunson ng 24 points at may 20 markers si Immanuel Quickley sa 100-98 paglusot ng Knicks (9-6) sa Miami Heat (10-6).

Sa Toronto, kumamada si O.G. Anunoby ng season high 26 points at may 18 markers si Pascal Siakam sa 121-108 pagdaig ng Raptors (8-8) sa Chicago Bulls (5-12).

vuukle comment

DEVIN BOOKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with