MANILA, Philippines — De Manila University na tumuka ng dalawang panalo upang magkaroon ng tsansa na madepensahan ang kanilang titulo sa pagharap nila sa top seed University of the Philippines sa semifinals ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Magsisimula ang bakbakan sa pagitan ng Ateneo at UP ngayong alas-2 ng hapon.
Dehado ang Blue Eagles dahil may tangan na ‘twice-to-beat’ advantage ang Fighting Maroons at aminado rin ang head coach ng Ateneo na si Tab Baldwin.
“We’re definitely the underdog and I’m putting the Blue Eagle flag directly in the underdog role.” saad ni Baldwin.
Huhugot ng lakas ang Ateneo kina Jared Brown, Sean Quitevis, Joseph Obasa at Kai Ballungay upang makuha ang panalo at makahirit ng ‘do-or-die’game.
Pinaalalahanan ni Baldwin ang kanyang mga bataan na malakas ang kanilang makakalaban at bawal matalo.
“It’s win or go home,” ani Baldwin.
Nasa No. 4 sa team standings ang Blue Eagles tangan ang 7-7 karta pagkatapos ng eight-team double round robin.
Samantala, kakapitan ng Fighting Maroons sina Malick Diouf at captain CJ Cansino para masungkit agad ang panalo at tumuloy sa Finals.
“I think sa start pa lang ng season, alam natin lahat ng teams very competitive,” ani UP mentor Goldwin Monteverde.
“Getting here at this spot is just part of it pero alam naman natin na di pa tapos. Whatever we worked hard for, we just have to follow through on it,” dagdag nito.
Sa isa pang semis match sa alas-6 ng gabi ay magtutuos ang No. 2 De La Salle University, may ‘twice-to-beat’ advatage, at National University.