NCAA Final Four nakumpleto
MANILA, Philippines — Sa kabila ng kabiguan sa sibak nang Emilio Aguinaldo College ay umabante pa rin ang College of St. Benilde Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament.
Ito ay dahil sa 77-74 panalo ng Mapua University sa Jose Rizal University kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Ang kabiguan ng Heavy Bombers (10-8) ang nagpasok sa Blazers (11-7) sa semifinals kasama ang Cardinals (15-3), Lyceum Pieates (13-5) at San Beda Red Lions (11-6).
Bitbit ng Mapua at Lyceum ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Finall Four.
Sa unang laro, binigo ng EAC ang St. Benilde, 77-69.
Nagpakawala si Nat Cosejo ng game-high 26 points para sa pagtatala ng Generals sa 9-9 baraha, habang may 12 markers si JP Maguliano.
Ang tatlong sunod na three-point shots nina Cosejo at King Gurtiza ang nagbigay sa EAC ng 52-49 bentahe sa third period.
- Latest