Choco Mucho nakatutok sa semis berth
MANILA, Philippines — Matapos patalsikin ang F2 Logistics ay pupuntiryahin naman ng Chco Mucho ang semifinal berth sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
Lalabanan ng Flying Titans ang PLDT High Speed Hitters ngayong alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtatapat ang Akari Chargers at sibak nang Gerflor Defenders kasunod ang upakan ng Creamline Cool mashers at Nxled Chameleons sa alas-4 ng hapon.
Tangan ng Creamline ang 7-0 record kasunod ang Choco Mucho (7-1), Chery Tiggo (7-1), Cignal (6-3), Petro Gazz (5-4), PLDT (5-3), F2 Logistics (4-5), Akari (4-4), Nxled (3-5), Farm Fresh (1-8), Galeries Tower (0-7) at Gerflor (0-8).
Umiskor ang Flying Titans ng 19-25, 25-8, 25-17, 25-19 panalo sa Cargo Movers para sa kanilang seven-game winning streak.
“Kailangan talaga namin ma-practice lahat eh. Ang importante lahat kung ano iyong pinapagawa namin sa first six, pati iyong second six kailangan din gawin nila.” ani Choco Mucho coach Dante Alinsunurin.
Sina Sisi Rondina, Isa Molde, Cherry Nunag, Kat Tolentino, Maddie Madayag at Caitlyn Viray ang bibida sa Flying Titans.
Dalawang sunod na kabiguan ang nalasap ng High Speed Hitters sa kanilang huling dalawang laro.
- Latest