Edwards, KAT bumida sa Wolves vs Knicks
MINNEAPOLIS — Humakot si Anthony Edwards ng 23 points, 10 rebounds at 5 assists habang may 20 markers si Karl-Anthony Towns sa 117-100 dominasyon ng Western Conference-leading Minnesota Timberwolves sa New York Knicks.
May 6-0 record ang Timberwolves (10-3) sa kanilang homecourt at nakahugot kay Rudy Gobert ng 16 points.
Pinamunuan ni Jalen Brunson ang Knicks (8-6) sa kanyang 25 points kasunod ang 21 markers ni Julius Randle.
Umiskor si Edwards ng siyam sa inihulog na 16-5 bomba ng Minnesota sa pagbubukas ng third quarter habang ang ikatlong three-pointer ni Mike Conley ang nagbigay sa kanila ng 76-61 abante sa 7:53 minuto nito.
Hindi na ito napababa ng New York hanggang sa fourth period.
Sa Detroit, tumipa si Reggie Jackson ng 21 points at nalampasan ng nagdedepensang Denver Nuggets (10-4) ang pagkakasibak kay two-time MVP Nikola Jokic sa first half sa 107-103 paglusot sa Pistons (2-13).
Sa Washington, nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng 42 points sa 142-129 paggupo ng Milwaukee Bucks (10-4) sa Wizards (2-11).
Sa Chicago, naglista si Bam Adebayo ng 23 points at 11 rebounds sa 118-100 pag-ihaw ng Miami Heat (9-5) sa Bulls (5-10).
Sa Charlotte, nagsalpak si Miles Bridges ng isang tres sa huling 6.6 segundo sa overtime sa 121-118 paglusot ng Hornets (4-9) sa Boston Celtics (11-3).
Sa San Francisco, naglista si Stephen Curry ng 32 points sa 121-116 paggupo ng Golden State Warriors (7-8) sa Houston Rockets (6-6).
- Latest