Umuusok ang Archers

Dikdikan ang University of the Philippines, National U at La Salle sa labanan sa Top 2 sa pagtatapos ng double-round elimination phase ng UAAP Season 86.

Kasalukuyang tabla sa unahan ang Maroons at Bulldogs tangan ang parehong kartadang 10-2. Pero nakatutok sa likuran ang Green Archers (9-3).

Pare-parehong kailangan nilang i-sweep ang kanilang huling dalawang laro para isulong ang target na makakuha ng twice-to-beat incentive sa Final Four.

Haharapin nila La Salle coach Topex Robinson at ng kanyang tropa ang Far Eastern U at Ateneo.

Samantalang makikipagbakbakan ang NU sa Adamson, at ang UP sa UST sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum bago magaganap ang crucial na Maroons-Bulldogs rematch sa pagsasara ng elims sa Linggo sa MOA Arena.

Malamang na labanan sa No.1 spot ang UP-NU tussle. At ang matatalo dito eh malamang na tatablahan ng La Salle sa second spot, na mauuwi sa playoff duel para i-break ang tie.

Samantala, nakaungos na ang Ateneo (6-6) sa karera para sa No. 4 o huling natitirang spot sa playoffs.

Pero must-win pa rin ang kanilang natitirang dalawang laro – UE at La Salle – dahil pwede pa silang abutan o lagpasan ng Adamson (5-7).

At nariyan pa rin ang UE (4-8) kahit na halos mirakulo na lang ang tsansa na umabot pa sa Last 4.

Unang natigok sa karera ang FEU (3-9) at UST (1-11).

Lamang ang UP at NU, pero malakas ang dating ng La Salle sa homestretch. Delikado sila sa nagbabagang palisok ng mga Archers.

Show comments