Hawks kinana ng Heat
ATLANTA — Kumalawit si Bam Adebayo ng 26 points at 17 rebounds at nag-ambag si rookie Jaime Jaquez Jr. ng career-high 20 points para tulungan ang Miami Heat sa 117-109 pagtusta sa Hawks.
Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Miami (5-4) na naglaro na wala sina leading scorer Tyler Herro (sprained right ankle) at Jimmy Butler (personal reasons).
Nagdagdag si Kyle Lowry ng 17 points at may 16, 11 at 7 markers sina Josh Richardson, Duncan Robinson at Kevin Love, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Trae Young ang Atlanta (5-4) sa kanyang 27 points, kasama ang 14 sa fourth quarter, at 11 assists habang may 23 markers si Dejounte Murray.
Ang buzzer-beating 3-pointer ni Jaquez ang nagbigay sa Heat ng 63-52 halftime lead mula sa 21-point lead sa Hawks.
Sa Boston, tumipa si Jaylen Brown ng 29 points at may 27 markers si Jayson Tatum sa 117-94 paggupo ng Celtics (7-2) sa Toronto Raptors (4-5).
Sa San Francisco, kumolekta si Donovan Mitchell ng 21 points, 7 rebounds, 5 assists at 2 steals sa 118-110 panalo ng Cleveland Cavaliers (4-5) sa Golden State Warriors (6-4).
Sa Orlando, kumubra si Paolo Banchero ng 26 points at 12 rebounds habang umiskor sina Franz at Mo Wagner ng pinagsamang 43 points sa 112-97 pagdaig ng Magic (5-4) sa Milwaukee Bucks (5-4).
- Latest