^

PM Sports

Blue Eagles nagpalakas ng tsansa sa Final Four

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng defen­ding champion Ateneo ang  three-game losing streak matapos nilang dagitin ang 67-59 panalo kontra University of Sto. Tomas sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum, kahapon.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game, tumikada si Kai Ballungay ng double-double na 15 points at 14 rebounds upang tulungan ang Blue Eagles na ilista ang 5-6 record at mapalakas ang tsansa sa asam na final four.

Maagang ipinaramdam ng Blue Eagles ang kanilang lakas nang hawakan nila ang 14-point lead, 43-29 sa unang da­lawang quarters dahil sa mainit na laro nina Ballungay at 6-foot-4 Fil-American guard Chris Koon.

Bahagyang kumapit ang UST sa third canto pero nanatiling matatag ang Ateneo at nairaos ang kanilang lamang hanggang sa payoff period.

Bumakas si Koon ng 12 puntos habang 10 ang inambag ni Jared Brown para sa Ateneo na niligwak ang UST sa pagsampa sa susunod na phase.

Samantala, tumiyak na ng puwesto ang University of the Philippines sa semifinals matapos kaldagin ang University of the East 79-72.

Bumida si Malick Diouf ng double-double performance na 19 points at 15 rebounds para ibigay sa UP ang 9-2 karta at manatiling hawak ang liderato.

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with