Pelicans giba sa Hawks
NEW ORLEANS — Tumipa si Trae Young ng 22 points at 12 assists para banderahan ang Atlanta Hawks sa 123-105 pagpapatumba sa Pelicans para sa kanilang four-game winning streak.
Nagdagdag si Jalen Johnson ng 21 points at 11 rebounds para sa Atlanta (4-2) habang may 20 markers si Dejounte Murray.
Pinamunuan ni Zion Williamson ang New Orleans (4-2) sa kanyang 25 points at may 16 markers si Brandon Ingram, samantalang nagsalpak si rookie Jordan Hawkins ng apat na three-pointers para sa career-high 15 points.
Kinuha ng Pelicans ang 63-53 kamalangan mula sa driving layup ni Williamson sa pagbubukas ng third quarter bago rumatsada ang Hawks sa pamamagitan ng driving floater ni Young.
Mula rito ay ipinoste ng Atlanta ang 94-77 bentahe sa New Orleans.
Sa New York, kumolekta si Jayson Tatum ng 32 points at 11 rebounds sa 124-112 panalo ng Boston Celtics (5-0) sa Brooklyn Nets (3-3).
Inilista ng 25-anyos na si Tatum ang kanyang 10,000th career point sa second quarter.
Sa Orlando, umiskor si Franz Wagner ng 26 points at nagdagdag si Paolo Banchero ng 25 points, 10 assists at 7 rebounds sa 120-101 pagrapido ng Magic (4-2) sa Los Angeles Lakers (3-3).
- Latest