TNT naghahanap ng bagong import

MANILA, Philippines — Aligaga ang Talk ‘N Text sa paghanap ng bagong import matapos maospital si Rondae Hollis-Jefferson.

Hindi nakapaglaro si Hollis-Jefferson sa laban ng Tropang Giga sa 2023-24 East Asia Super League sa Sta. Rosa, Laguna.

Umani ng 66-75 kabiguan ang Tropang Giga sa Jets sa naturang laro para mahulog sa 0-2 rekord sa EASL tournament.

Sinabi ni  Tropang Giga head coach Jojo Las­timosa na wala sa perkpektong kundisyon si Hollis-Jefferson dahil nagrerekober pa ito.

Kaya naman walang magawa ang pamunuan ng Tropang Giga kundi ang humanap ng pamalit kay Hollis-Jefferson pansa­mantala.

“We haven’t decided yet (kung sino ang ipapalit),” ani Lastimosa.

Tagilid pa si Hollis-Jefferson sa opening day ng PBA Season 48 Commissioner’s Cup na papalo sa Nobyembre 5 sa Smart Araneta Coliseum.

Nais sana ng Tropang Giga na gamitin si Quincy Miller subalit ayaw pa itong i-release ng Converge.

Malaking kawalan si Hollis-Jefferson dahil bangas din ang lineup ng Tropang Giga.

Nagpapagaling pa sa kani-kanyang injuries sina Justin Chua at Poy Erram habang wala rin sina Roger Pogoy at Mikey Williams.

Kaya naman naghahagilap na ang Tropang Giga ng papalit kay Hollis-Jefferson’s.

Nakatakdang magbukas ang liga sa Linggo kung saan makakasagupa ng Tropang Giga sa u­nang laro nito ang Magnolia Chicken Timplados.

Show comments