TNT naghahanap ng bagong import
MANILA, Philippines — Aligaga ang Talk ‘N Text sa paghanap ng bagong import matapos maospital si Rondae Hollis-Jefferson.
Hindi nakapaglaro si Hollis-Jefferson sa laban ng Tropang Giga sa 2023-24 East Asia Super League sa Sta. Rosa, Laguna.
Umani ng 66-75 kabiguan ang Tropang Giga sa Jets sa naturang laro para mahulog sa 0-2 rekord sa EASL tournament.
Sinabi ni Tropang Giga head coach Jojo Lastimosa na wala sa perkpektong kundisyon si Hollis-Jefferson dahil nagrerekober pa ito.
Kaya naman walang magawa ang pamunuan ng Tropang Giga kundi ang humanap ng pamalit kay Hollis-Jefferson pansamantala.
“We haven’t decided yet (kung sino ang ipapalit),” ani Lastimosa.
Tagilid pa si Hollis-Jefferson sa opening day ng PBA Season 48 Commissioner’s Cup na papalo sa Nobyembre 5 sa Smart Araneta Coliseum.
Nais sana ng Tropang Giga na gamitin si Quincy Miller subalit ayaw pa itong i-release ng Converge.
Malaking kawalan si Hollis-Jefferson dahil bangas din ang lineup ng Tropang Giga.
Nagpapagaling pa sa kani-kanyang injuries sina Justin Chua at Poy Erram habang wala rin sina Roger Pogoy at Mikey Williams.
Kaya naman naghahagilap na ang Tropang Giga ng papalit kay Hollis-Jefferson’s.
Nakatakdang magbukas ang liga sa Linggo kung saan makakasagupa ng Tropang Giga sa unang laro nito ang Magnolia Chicken Timplados.
- Latest