Palaban ang Terrafirma?
Maraming beses nang nagpalit ng team banner at nagpalit ng coaches ang koponang Terrafirma Dyip.
Ilang beses na rin silang nag-alog ng kanilang roster kasunod ang pagkopo sa No. 1 pick sa annual PBA Rookie Draft.
Pero never pa nagbago ang kanilang kapalaran dahil patuloy silang nasa ilalim simula naging PBA expansion team noong 2014.
Sa pagdating ni Fil-Am hotshot Stephen Holt, kasama ang iba pang promising rookie acquisitions, eto na kaya ang panahon na mag ko-compete ang Terrafirma?
Pirmado na kaya ang pagbabago ng kanilang kapalaran upang maging playoff contender?
Positibo si coach Johnedel Cardel sa kanyang pananaw, lalo na at maganda ang kanyang nakikita sa training ng koponang pangungunahan ni Holt at import Thomas De Theay.
Kasama sa maaaring maghatid ng pagbabago sa koponan ang iba pang newbies na sina Kemark Carino, Taylor Miller, Tommy Olivario and Mark Sangalang.
Nariyan din sina Juami Tiongson, Dre Cahilig, Isaac Go, Javi Gomez de Liaño, Ed Daquioag, Eric Camson, Aldrech Ramos, Allen Mina, Gelo Alolino at JP Calvo.
Bumunot sila ng ilang panalo sa PBA On Tour, at naniniwala si Cardel kaya rin nila itong gawin sa season proper kung saan No. 1 weapon nila si Holt.
“Holt’s a team player, leader and do-it-all guy,” ani Cardel. “He told me don’t worry, we’ll be OK.”
- Latest