^

PM Sports

F2 giniba ang Galeries

Russell Cadayona - Pang-masa
F2 giniba ang Galeries
Iniskoran ni Jolina Dela Cruz ng F2 Logistics sina Graze Bombita at Christine Francisco ng Galeries Hotel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinataw ng F2 Logistics ang ikalawang sunod na panalo matapos walisin ang Galeries Tower, 25-15, 25-22, 22-17, sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

Itinaas ng Cargo Movers ang kanilang baraha sa 2-1 para sa four-way tie kasama ang PLDT Home Fibr, Chery Tiggo at Choco Mucho sa fourth spot.

Nalasap ng Highrisers ang ikatlong dikit na kamalasan.

“Masaya siyempre at sulit na sulit ang biyahe namin. At sa team naman, one step closer kami at magandang panalo ito,” ani Ara Galang na nagtala ng 14 points mula sa 11 attacks, 1 block at 2 aces.

Matapos kunin ang first set, 25-15, sa likod nina Majoy Baron, Ivy Lacsina at Kim Fajardo ay nahirapan ang F2 Logistics sa second frame kung saan nakadikit ang Galeries Tower sa 22-25.

Tuluyan nang tinapos ng Cargo Movers ang laban mula sa dalawang sunod na hataw ni Galang para sa 22-17 pagligpit sa Highrisers sa third set.

vuukle comment

HINATAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with