PBA All-Star Game

Para namang nang-aasar si NBA kay PBA kung All-Star Game format ang pag-uusapan.

Bakit kamo? Pagkatapos gumaya ang PBA sa NBA format na pinagsasabong ang koponan ng dalawang top vote-getters, biglang kambyo pabalik sa classic East vs West format si NBA.

Dahil dito, nagbabadya ang pagsasama-sama nina LeBron James, Stephen Curry at Victor Wembanyama sa West team sa NBA All-Star Game na ilalaro sa India­napolis sa Pebrero.

Ang tanong, eh anong format ang ihahatid ng PBA sa Bacolod sa taong ito.

Sa nakaraang PBA All-Star Game sa Passi, Iloilo, nagharap ang Team Japeth vs Team Scottie. Wagi ang Team Japeth, 140-136, kung saan tinanghal si Paul Lee bilang MVP.

Sa NBA, anim na taon ginanap ang All-Star Game na nagtutuos ang koponan ng dalawang top vote-getters. Limang sunod nanalo ang Team LeBron bago tinapos ang kanilang ratsada ng Team Giannis.

At kasunod nga nito ang pagbabalik ng East-West format.

Matagal-tagal pang mag-iisip ng gimik si PBA. Kung ano mang format ito, malamang na patok ito dahil basketball fanatics din ang mga taga Bacolod.

Show comments