^

PM Sports

UST tambak sa La Salle

Nilda Moreno - Pang-masa
UST tambak sa La Salle
Dinilaan ni Jonnel Policarpio ng La Salle ang kanyang bantay na UST player.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Tumibay ang kapit ng De La Salle sa No. 3 spot matapos nilang panain ang 100-69 panalo kontra sa naghihingalong University of Sto. Tomas sa second round ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena, kahapon.

Tumikada si Most Valuable Player contender Kevin Quiambao ng 22 points,12 rebounds, anim na assists, limang steals at isang block upang tulu­ngan ang Green Archers na sikwatin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 5-3 card.

Maagang uminit ang opensa ng Taft-based squad DLSU nang hawakan nila ang 14-point lead, 52,38 sa halftime.

Nagpatuloy ang mainit na laro ng Green Archers sa third canto matapos magsanib puwersa sa opensa sina Quiambao, Raven Cortez at Jonnel Policario para ilayo pa ang bentahe sa 16, 75-49 papasok ng payoff period.

“Marami kaming natutunan sa first round kaya nag focus lang kami sa pagkakamali namin, kailangan namin mag-adjust, kailangan namin mag stick more to the system,” wika ng last season’s Rookie of the Year na si Quiambao,

Tumikada ang first-year forward na si Policarpio ng 14 points, 11 boards, limang assists at tig-isang steal at block sapat upang punan ang iniwan na toka ni Mike Phillips na hindi nakalaro dahil sa injury.

Laglag ang España-based squad sa 7-1 karta.

Sa ikalawang laro, kina­pitan ng National University ang pagiging clutch player ni Kean Baclaan para sakmalin ang University of the East, 64-61.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with