Pang pataas balahibo daw ang magiging presentasyon at parangal sa Gilas Pilipinas sa opening ceremony ng PBA Season 48.
Pero ayaw ni PBA commissioner Willie Marcial ibigay ang detalye para mapanatili ang sorpresa para sa mga manonood.
Pero giit niya na must-see ang seremonya, nababagay na parangal para sa koponan na tumapos ng matagal na paghihintay ng mga Pinoy na makita ang Team Philippines na maabot ang tugatog ng tagumpay sa Asian Games.
Mauuna muna ang Leo Awards o ang annual season-end awards ceremony at pagkatapos eh bubuksan na ang tilon para sa Season 48, kasama ang parangal sa bumubuo ng Gilas team na naghari sa Hangzhou Asian Games.
Paparada muna sina June Mar Fajardo at Gilas teammates sa kanilang respective PBA ballclubs bago sila muling magsasama-sama — kasama sina coach Tim Cone, staff members at management group — upang ihandog sa Pinoy cage fans ang medalyang ginto na sinungkit sa Hangzhou.
Ang tanong eh kung sasama si Justin Brownlee sa seremonyas, ngayong nasa bingit pa ng alanganin ang kanyang estado dahil sa cannabis substance na nakita sa kanyang doping test.
Ang sigurado eh hindi performing-enhancing substance ang nakita, kung hindi bagay na pinapayagan sa NBA (ngunit hindi sa FIBA games).
Ayan na ang PBA Commissioner’s Cup pero wala pa ang desisyon ng FIBA kung ano ang sanction na ipapataw kay Brownlee.
May tsansang suspension na hindi kahabaan na magbibigay daan para makalaro pa rin si Brownlee sa title-retention bid ng Barangay Ginebra sa parating na torneo.
Syempre, umaasa ang Ginebra fans sa prospect na ito.