St. Benilde pakay ang 4th straight win vs EAC

MANILA, Philippines — Ipoposte ng mainit na College of St. Benilde ang kanilang ikaapat na sunod na panalo habang ang patuloy na pagsosolo sa second spot ang hangad ng San Beda University.

Haharapin ng Bla­zers ang Emilio Aguinaldo College Generals ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Red Lions sa San Sebastian College-Recoletos Stags sa alas-4 ng hapon sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament sa Filoil Centre sa San Juan City.

Bumabandera ang Mapua bitbit ang 7-1 kartada kasunod ang San Beda (5-2), Lyceum (6-3), Jose Rizal (5-3), EAC (4-3), St. Benilde (4-3), San Sebastian (3-5), Perpetual (3-7), Arellano (1-7) at ‘three-peat’ champions Letran (1-7).

Huling biniktima ng Blazers ang Heavy Bom­bers, 72-66, para sa kanilang three-game winning streak bagama’t nakahugot lamang ng pinagsamang tatlong puntos kina key players Will Gozum at Miggy Corteza.

“I trust them a lot and I know they’re going to figure it out soon enough,” sabi ni coach Charles Tiu kina Gozum at Corteza. “This is because if we want to go anywhere this season we need them for sure, they’re my two best big men by far.”

Sa ikalawang laro, lalo pang patitibayin ng San Beda ang kapit sa ikalawang puwesto sa pakiki­pagtuos sa San Sebastian.

 

Show comments