MANILA, Philippines — Kumayod si Omar John ng 12 points at 10 rebounds para akbayan ang National University Bulldogs sa 68-49 panalo kontra sa University of the East sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena.
Tumikada rin sina Jake Figueroa at PJ Palacielo ng tig-12 markers sakmalin ng Bulldogs ang pangatlong sunod na panalo at ilista ang 5-1 karta.
Kuntento si NU head coach Jeff Napa sa ipinakitang tikas ng kanyang mga bataan matapos maghabol sa first canto, 19-21, ay bumalikwas ang Bulldogs sa second quarter upang agawin ang 31-25 halftime lead.
Laglag ang Red Warriors sa 2-4.
Samantala, minasaker ng nagdedepensang Ateneo de Manila University ang University of Santo Tomas, 97-77.
May 3-3 record ang Blue Eagles, habang may 0-6 marka ang Growling Tigers.
Sa ikatlong laro, pinadapa ng Far Easter University ang Adamson University, 49-46, tampok ang 13 points ni L-Jay Gonzales.
Pinaganda ng Tamarawas ang baraha sa 2-4.