Crossovers winalis ang Foxies

Ang palo ni Eya Laure ng Chery Tiggo laban kina Jade Gentapa at Rizza Cruz ng Farm Fresh.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Humataw si Ces Rob­les ng siyam na puntos sa third set para sa 25-21, 25-23, 25-22 pagdaig ng Chery Tiggo sa Farm Fresh sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos ang Ilongga spiker na may 10 points para sa 1-0 record ng Crossovers at saluhin ang trabaho ni ace spiker My­lene Paat na nagrerekober sa right foot injury.

“Sa amin lang naman, iyong ginawa namin tiwala sa sarili at tiwala lang kami sa sinabi sa amin ni coach (Aaron Velez),” ani Robles. “Mali lang sa amin iyong communication namin medyo kulang pa, pero at the end nakuha din namin.”

Humataw ang mag-utol na sina Eya at EJ Laure ng pinagsamang 27 points.

Ito ang ikaanim na sunod na kamalasan ng Foxies simula sa kanilang debut sa Invitational Conference tatlong buwan na ang nakakalipas.

Mula sa first hanggang sa third set ay naghabol ang Chery Tiggo sa Farm Fresh ni mentor Jerry Yee.

“But because of their determination, nagkakaroon na rin kami ng jelling kaya naitawid namin and thank you sa mga pla­yers na nag-push,” ani Velez.

Kinuha ng Foxies ang 18-10 abante sa third frame bago nakabangon ang Crossovers sa likod ni Robles para agawin ang panalo.

Sa ikalawang laro, pinagulong ng Akari ang paboritong F2 Logistics, 21-25, 25-20, 27-25, 19-25, 15-8, para sa kanilang unang panalo.

Ang blangka ni Fifi Sharma kay Myla Pablo at service ace nito sa fifth set ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Akari sa F2 Logistics.

Show comments