^

PM Sports

Gilas kampeon sa asiad Ramirez naka-gold din

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas kampeon sa asiad Ramirez naka-gold din
Bagama’t nasa ilalim ay tinalo pa rin ni Pinay jiu-jitsu expert Annie Ramirez si Galina Duvanova ng Kazakhstan sa finals ng women’s -57kg para sa Asian Games gold.

MANILA, Philippines — Animnapu’t isang taon.

Matagal, mailap at masalimuot ang naging paghihintay subalit sa wakas ay naangkin uli ng Gilas Pilipinas ang asam na gintong medalya matapos ang 70-60 panalo kontra sa Jordan sa finals ng 2023 Asian Games kahapon sa Hangzhou Olympic Sports Center sa China.

Matamis na higanti ito ng Gilas kontra sa Jordan matapos ang 87-62 kabi­guan sa Jordanians sa elimination round upang mawakasan ang ilang dekadang alat ng luha at sakit sa sunud-sunod na kabiguan sa prestihiyosong quadrennial tournament.

Ito ang unang kampeo­nato ng Gilas na balik sa tuktok ng trono ng Asian basketball simula 1962.

At tulad ng kanyang pamamayani kontra sa China, bumandera uli sa Nationals ang naturalized player na si Brownlee na kumamada ng 20 puntos, 10 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Ngayon, nakakuha siya ng suporta mula kay Ange Kouame na may 14 puntos, 11 rebounds, 5 steals at 2 blocks pati na kina Chris Newsome at Scotite Thompson, ayon sa pagkakasunod.

Muling humugot ng gold medal ang Pilipinas mula sa mga atleta ng jiu-jitsu.

Dinaig ni Annie Ra­mirez si Galina Duvanova ng Kazakhstan, 2-0, sa finals ng women’s -57 kilogram division para sa ikatlong ginto ng bansa.

Apat na gold, dalawang silver at 15 bronze medals ang kinolekta ng Pinas noong 2018 Asian Games na idinaos sa Palembang, Indonesia para tumapos sa No. 19 sa overall standings.

Nagdagdag si Kaila Napolis ng tanso matapos talunin si Hessa Alshmsi ng United Arab Emirates, 4-2, sa semifinals ng women’s -52kg category.

Isang bronze din ang kontribusyon nina sepak takraw team members Rheyjey Ortouste, Jason Huerte, Ronsited Gaba­yeron, Mark Joseph Gonzales at Jom Lerry Rafael matapos ang 0-2 kabiguan sa Malaysia sa semifinals ng men’s regu category.

Ito ang pang-12 tanso ng delegasyon.

ANNIE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with