MANILA, Philippines — Ramdam na ramdam nina Filipino-American Jordan Clarkson at American Austin Reaves ang enerhiya ng Pinoy fans sa FIBA World Cup na ginanap sa Maynila.
Sinabi ni Clarkson na lutang na lutang ang pagmamahal ng Pinoy fans sa basketball dahil hindi lamang ang Gilas Pilipinas ang sinuportahan nito maging ang iba pang teams.
“It’s just love, something you really can’t describe. You just gotta be there to really see it and feel that energy,” ani Clarkson.
Partikular na tinukoy ni Clarkson ang mga NBA players na nakatanggap ng mainit na suporta sa FIBA World Cup.
Ilan dito si Reaves na kaliwa’t kanan ang nagpapakuha ng litrato at nagpapasign ng autograph gayundin si Luka Doncic ng Slovenia na tumatanggap ng malakas na hiyawan sa oras na nakakapuntos ito.
“It was all love. The Philippines is a real big basketball place, so I think everybody felt when they were there,” ani Clarkson na naglalaro para sa Utah Jazz.
Nasilayan din sa aksyon ang iba pang Utah Jazz players na sina Kelly Olynyk (Canada), Walker Kessler (USA), Simone Fontecchio (Italy) at Lauri Markkanen (Finland).
Masaya rin si Reaves sa naging karanasan nito sa Maynila.
“I wasn’t really able to really go anywhere in the Philippines especially. Anytime I walked out of the room or in the lobby, those pictures, autographs and if you know me, I’m a very low-key stay to myself type of person,” ani Reaves.
Isa si Reaves sa itinuturing na crowd favorite sa FIBA World Cup.