^

PM Sports

Sepak takraw sumipa ng bronze sa ASIAD  

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi ang Pilipinas ng medalya sa sepak takraw event ng Asian Games, samantalang bigo si national boxer Carlo Paalam sa quarterfinals kahapon sa Hangzhou, China.

Nakuntento sa bronze medal ang sepak takraw team nina Jason Huerte, Rheyjey Ortouste, Vince Alyson Torno at Mark Joseph Gonzales matapos ang 1-2 semifinal loss sa Indonesia sa men’s quadrant.

Ito ang pang-siyam na tanso ng Pinas bukod sa ginto ni World No. 2 pole vaulter EJ Obiena at pilak ni sanda fighter Arnel Mandal sa wushu.

Sa boxing, natalo ang Tokyo Olympics silver medalist na si Paalam kay reigning world champion Khalokov Abdumalik ng Uzbekistan via unanimous decision sa quarterfinals ng men’s 57 kilogram class.

Isa si Paalam sa mga boxers na inaasahan sanang susuntok ng ginto sa Hangzhou Asiad.

Pupuntiryahin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial ang finals berth sa pagsagupa kay Ahmad Ghousoon ng Syria sa semis ng men’s 80kg division.

Nakatiyak na ang 27-anyos na tubong Zamboanga City ng bronze sa pagpasok niya sa semis at maghahangad ng gold at tiket para sa 2024 Paris Olympics.

Sa men’s basketball, itinakas ng Gilas Pilipinas ang dramatikong 84-83 panalo laban sa Iran papasok sa semis kung saan nila lalabanan ang China ngayong alas-8 ng gabi.

Minalas naman ang Gilas Women na maka­singit sa semis nang matalo sa South Korea, 71-93, sa quarterfinals para tumapos na may 2-2 record.

SEPAK TAKRAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with