^

PM Sports

Sepak nag-ambag ng tanso sa Team Philippines

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdagdag ang sepak takraw team ng tansong medalya sa kaban ng Team Philippines sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.

Nagkasya lamang sa tanso ang Pinoy squad matapos yumuko sa Indonesia sa men’s quadrant semifinals kahapon.

Lumasap  ang Pilipinas ng 15-21, 25-24, 21-17 kabiguan sa kamay ng defending Asian Games champion Indonesia.

Binubuo ang sepak quadrant team nina Jason Huerte, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Jom Rafael at Vince Torno.

Sa athletics, pasok sa finals ang men’s quartet sa 4x400 men’s relay matapos manguna sa Heat 2 sa Hangzhou Olympic Sports Centre Stadium kahapon.

Nanguna sa ratsada ng Pinoy squad si Uma­jesty Williams na nagsumite ng 44.16 segundo kasunod si Michael del Prado na may 45.88 segundo.

Sumunod sina Joyme Sequita at Frederick Ramirez na may 46.74 at 49.37, ayon sa pagkakasunod para maitala ang bagong national record na 3:06.15.

Mapapalaban ang Pinoy team sa finals kontra sa Southeast Asian Games SEAG runner-up Thailand (national record 3:06.96), Iraq (NR 3:07.58), Bahrain (NR 3:06.2), Korea (NR 3:04.03), India (NR 3:03.81), Sri Lanka (3:06.60) at Qatar (NR 3:01.00).

Pasok din sa finals ang women’s 4x400 Philippine team nina Lauren Hoffman, Robyn Brown, Angel Frank at Maureen Schrijvers.

SEPAK TAKRAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with