Mabuti naman at may pinatunguhan ang desisyon nina gymnast Caloy Yulo at golfer Bianca Pagdanganan na lumiban sa 19th Asian Games.
Napilay ang kampanya ng Team Philippines sa Hangzhou Games sa absence ng dalawang matibay na panlaban.
Pero sa ibang lupalop, iwinagayway nila ang Philippine flag.
Nahugot ni Yulo ang inaasam na 2024 Paris Olympics ticket sa kasalukuyang Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Germany.
Magandang performance sa floor exercise ang naging susi ni Yulo para mag-qualify sa kanyang second straight Olympics.
At dahil dito, dalawang Filipino athletes na ang siguradong lalaban sa Paris Games. Una nang nag-qualify si pole vault ace EJ Obiena.
Sa Rogers, Arkansas sa US, pumalo si Pagdanganan ng eight-under-par closing round 64 at humugot ng joint third-place finish sa Walmart NW Arkansas Championship.
Sa effort na ito, nagbulsa si Pagdanganan ng humigit kumulang P6.5 million. At maaaring, sigurado na rin na mapapanatili niya ang kanyang LPGA card sa susunod na season.
Sa Hangzhou naman, sigurado na hindi mabobokya sa gintong medalya ang Team Phl dahil sa panalong dinala ni Obiena.
At nariyan pa na humahabol din sa ultimate Asiad glory ang iba pa nating panlaban, kasama na si boxer Eumir Marcial na nagpasabog ng KO win noong nakaraang gabi.
Super weekend ang ibinigay sa atin ng mga atleta.