Nakaabang sa football sa Asiad gold

Sa panibagong chapter ng manunulat na ito dito sa Texas, puro football, football, football ang aking naririnig na usapan.

Laging laman ng news channels ang football.

Baliw na baliw sa American football ang mga tao dito sa Texas, siguro sa buong Amerika,

Kung ang Pinas ay basketball country, football country naman ang USA.

Hindi ito “yung football natin d’yan sa Pinas na mas kilalang soccer. Ang American football ay ang rugby football.

Nasa kalagitnaan na ang NFL season kaya mainit na ang labanan.

Pero siyempre, bilang Pinoy, ang inaabangan ko naman ay ang kampanya ng Philippine team sa ongoing Asian Games.

Samantala, kaila­ngan kong matutunan ang American football dahil mukhang magiging bahagi na ito ng bagong buhay ko dito.

Show comments