CSB diniskaril ang JRU

MANILA, Philippines — Tinakasan ng College of St. Benilde ang Jose Rizal University sa overtime, 93-85, para sa kanilang unang panalo sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Parehong may 1-1 record ang dalawang koponan kung saan nakaba­ngon ang Blazers mula sa naunang kabiguan.

Humataw si Miggy Corteza ng 21 points para sa St. Benilde habang humakot si big man Will Gozum ng double-double na 18 points at 11 rebounds.

Pinamunuan ni Agem Miranda ang Jose Rizal sa kanyang game-high 31 points.

Ang jumper ni Miranda ang nagtabla sa Heavy Bombers sa 75-75 sa hu­ling 1:23 minuto ng fourth quarter para itulak ang Blazers sa extra period.

Kaagad humataw si Gozum ng apat na sunod na puntos para sa St. Benilde habang ang three-point shot ni Corteza ang nagbaon sa Jose Rizal sa 89-81 sa natitirang 33.4 segundo ng laro.

Show comments