^

PM Sports

Unang Asiad medal ng pinas galing kay Perez

Russell Cadayona - Pang-masa
Unang Asiad medal ng pinas galing kay Perez
Si Patrick King Perez ang unang medalist ng Team Phl sa 19th Asian Games.
POC/PSC photo

MANILA, Philippines — Ang taekwondo jin na si King Patrick Perez ang nagbigay ng unang medalya ng Team Philippines matapos angkinin ang bronze medal sa men’s individual poomsae ng 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.

Tinalo ng 23-anyos na si Perez ang dalawa niyang kalaban bago minalas kay Asia No. 2 Ma Yun Zhong ng Taiwan sa semis ng freestyle event sa Lin’an Sports Culture and Exhibition Centre.

May 6.910 points ang gold medalist ng 2023 Cambodia Southeast Asian Games na mas mababa sa 7.450 points ng Taiwanese.

Bigo naman si three-time SEA Games gold winner Jocel Lyn Ninobla (7.56 points) kay Cha Yea-eun ( 7.68 points) ng South Korea sa Round of 16.

Nakatakdang labanan ngayon ni Tokyo Olympian at SEAG champion Kurt Bryan Barbosa si Omonjon Otajonov ng Uzbekistan sa men’s -58kg.

Sa rowing, pupuntir­yahin ni Joanie Delgaco ang makasaysayang unang gold medal ng Pilipinas sa rowing competition ng Asian Games.

Sasagwan ngayon ang 25-anyos na si Delgaco sa finals ng women’s single sculls event kung saan niya makakatapat sina Tokyo Olympics silver medalist Anna Prakaten ng Kazakhs­tan, Shino Yonekawa ng Japan, Liu Ruiqi ng China, Leung Wing Wun ng Hong Kong at Huang Yi Ting ng Chinese Taipei.

Huling nakakuha ng medalya ang bansa noong 2002 edition sa Busan, Korea mula sa tanso nina Alvin Amposta at Nestor Cordova sa men’s lightweight doubles sculls.

Nasa finals din sina Jericho Jr. Francisco at ang 9-anyos na si Mazel Paris ‘Maze’ Alegado sa skateboarding park qualification.

Sa boxing, pinatulog ni Mark Ashley Fajardo si Dorji Wangdi ng Bhutan sa first round sa men’s 63.5 kilogram division habang olats si Aira Villegas kay Yesugen Oyuntsetseg ng Mongolia, 1-3, sa women’s 50kg class.

Sa women’s football, lalabanan ng Filipinas ang South Korea sa kanilang ikalawang asignatura sa Group E matapos gibain ang Hong Kong, 3-1, sa Asiad debut.

Nakatakda ang laro ngayong alas-7:30 ng gabi sa Wenzhou Sports Center.

Sa beach volleyball, swak sa quarterfinals sina Floremel Rodriguez at Genesa Eslapor matapos talunin sina Leong Ong Leng at Law Weng Sam ng Macau, 21-15, 21-15.

Sa judo, maagang nasibak sina Leah Jhane Lopez at Shugen Nakano sa preliminaries.

Natalo si Lopez kay second seed Abiba Abuzhakynova ng Kazakhstan via Waza-ari sa Round of 16 ng women’s -48-kilogram category at minalas si Nakano kay Ryoma Tanaka ng Japan via Ippon sa Round of 16 ng men’s -66-kg event.

TAEKWONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with