Asiad target: 4 golds or more
Sisikad na ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China, at siyempre isa sa mithiin ang lagpasan ang four-gold harvest ng Team Philippines sa Jakarta/Palembang Asiad noong 2018.
Pinangunahan ni Yuka Saso ang pasiklab ng Pinas noong 2018 sa pamamagitan ng kanyang two-gold (team at individual) performance sa golf. At sa ambag na tig-isang ginto nina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal, nakuha ng Team Phl ang pinakamalakas na Asiad showing nito sa mahabang panahon at tinalo ang three-gold romp ng mga boxers noong 1994 Hiroshima Games.
Kung walang masamang bagay na darating, sure ball tayo ng isang ginto mula kay star pole vaulter EJ Obiena.
At madaling-madali sanang lagpasan ang four-gold target kung minabuti ni gymnast Caloy Yulo na lumaro sa Hangzhou at hindi sa kasabay na Olympic qualifying event.
Ang tanong ngayon, eh, saan tayo kukuha ng iba pang gold medal.
Mabigat ang laban ni Didal sa pagdepensa ng kanyang titulo dahil nagsulputan ang maraming batang skateboarders — marami dito eh nakalaban niya sa Tokyo Olympics.
Mukhang mabigat din ang laban ni Diaz kontra Chinese armada.
Ang mga boxers eh, susubok isustina ang momentum ng kanilang three-medal harvest sa Tokyo Olympics.
At maaaring malaking pag-asa rin ang dala ng mga Sibol bets sa esports.
Siyempre, todo ang pagbubunyi ng bayan kung makakapanalasa ang Gilas Pilipinas kahit na sa kapirot na training period sa ilalim ni coach Tim Cone.
- Latest