Holt No. 1 pick ng Terrafirma
Sa Season 48 rookie Draft
MANILA, Philippines — Pinili ng Terrafirma si Stephen Holt bilang No. 1 overall pick sa Season 48 PBA Rookie Draft sa hanay ng record na 124 aplikante kahapon sa Ayala Malls Market! Market! sa Taguig City.
Pinahalagahan ng Dyip ni coach Johnedel Cardel ang pagiging beterano ng 31-anyos na si Holt sa mga liga sa buong mundo.
“It’s definitely one of my goals in my career to play in the PBA. You know I started out my career trying to pursue my NBA dream,” ani Holt na kasalukuyang nasa US dahil sa panganganak ng kanyang asawa.
Hinirang ng Blackwater ni coach Jeff Cariaso bilang No. 2 selection si Fil-Am Christian David mula sa Butler University.
Ang iba pang nakuha sa first round ay sina 6’7 Luis Villegas (No. 3) at 6’8 Keith Datu Jr. (No. 4) ng Rain or Shine, Zavier Lucero (No. 5) ng NorthPort, Ken Tuffin (No. 6) ng Phoenix, Richie Rodger (No. 7) ng NLEX, 6’8 Brandon Bates (No. 8) ng Meralco, Schonny Winston (No. 9) at BJ Andrade (No. 10) ng Converge, Cade Flores (No. 11) ng NorthPort at Taylor Miller (No. 12) ng Terrafirma.
Nahugot sa second round sina Bryan Santos (No. 14) ng Converge, 6’6 Henry Galinato (No. 15) ng Rain or Shine, Raffy Verano (No. 16) at Ricci Rivero (No. 17) ng Phoenix, Enoch Valdez (No. 18) ng NLEX, John Louisse Delos Santos (No. 19) ng Converge, James Kwekuteye (No. 20) ng Blackwater, JM Nermal (No. 21) ng NLEX, Louie Sangalang (No. 22) ng Terrafirma, Ralph Cu (No. 23) ng Ginebra at Adrian Nocum (No. 24) ng Rain or Shine.
Iniurong ng PBA ang pagbubukas ng 2023 Commissioner’s Cup sa Nobyembre 5.
- Latest