MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagsabak ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena sa mga international competitions bilang paghahanda sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Lulundag si Obiena sa Wanda Diamond League Final bukas (Manila time) sa Eugene, Oregon kung saan niya muling makakatapat si Olympic champion at two-time world champion Armand Duplantis ng Sweden.
Bukod sa 2024 Paris Olympics ay sasabak din ang 6-foot-2 pole vaulter sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong buwan.
Nanggaling si Obiena sa paghablot sa bronze medal sa nakaraang Memorial van Damme na isa sa mga legs ng Wanda Diamond League na idinaos sa Brussels, Belgium.
Bukod kina Obiena, Duplantis at Kendricks, kalahok din sa Wanda Diamond League Final sina World No. 2 Chris Nilsen at World No. 6 KC Lightfoot ng United States, World No. 8 Ben Broeders ng Belgium at Kurtis Marschall ng Australia.