Brooks naging ‘hero’ ng Canada sa FWC

Naglambitin sa ring si Dillon Brooks ng Canada matapos ang kanyang dunk sa isa nilang laro sa 2023 FIBA World Cup.

MANILA, Philippines — Mula sa pang-aasar ni Dillon Brooks kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers sa first-round playoffs ng nakaraang NBA season hanggang sa pagi­ging ‘hero’ niya sa pagkopo ng Canada sa bronze medal ng 2023 FIBA World Cup.

Humataw si Brooks ng 39 points tampok ang pitong three-point shots para igiya ang Canada sa 127-118 overtime win sa Team USA noong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Imbes na mga boo ay sigaw na “MVP, MVP” ang narinig ng 27-anyos na dating kamador ng Memphis Grizzlies mula sa kanyang mga Pinoy fans.

“It was my second time. They did the same thing in Jakarta. It’s an amazing feeling to be recognized during the game. But you know that I never take it for granted,” ani Brooks na tubong Ontario, Canada.

Dahil sa kanyang mga ginagawa sa loob ng court ay minabuti ng Grizzlies na hindi na bigyan ang 6-foot-6 forward ng contract extension.

Noong Hulyo 8 ay kinuha si Brooks ng Houston bilang bahagi ng isang sign-and-trade agreement.

Ang 2017 NBA Draft No. 45 overall pick ng Rockets ang aasahang muli ng Canada sa kanilang kampanya sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Show comments