MANILA, Philippines — Parehong minalas sina Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo at Elreen Ando na makabuhat ng medalya sa 2023 IWF World Weightlifting Championships sa Riyadh, Saudi Arabia.
Nagtala si Diaz-Naranjo ng total lift na 224 kilograms mula sa 97 kilograms sa snatch at 127 kilograms sa clean and jerk para tumapos sa seventh place sa women’s 59 kilogram division.
Sa nasabing weight category pumuwesto si Ando sa eighth place sa kanyang total lift na 222 buhat sa 100kgs sa snatch at 122kgs sa clean and jerk.
Si Chinese bet Luo Shifang ang kumuha sa tatlong ginto sa kanyang total lift na 243kg, 107kgs sa snatch at 136kgs sa clean and jerk.