MANILA, Philippines — Nakatanggap si Dwight Ramos ng espesyal na regalo sa kanyang ika-25 kaarawan.
Ito ay ang makuha ng Gilas Pilipinas ang panalo laban sa China sa huling araw ng classification round ng FIBA World Cup.
Mas lalo pang espesyal ang selebrasyon dahil sa mga fans sa Smart Araneta Coliseum na binigyan siya ng mainit na pagbati sa pamamagitan ng pagkanta ng ‘Happy Birthday.’
Kaya naman hindi nito makakalimutan ang araw na ito.
“It’s a really great experience, it’s my first World Cup and I’m gonna take all these games, all these players I’ve played against and had to guard,” ani Ramos.
Matapos ang kampanya sa FIBA World Cup, nais ni Ramos na mag-celebrate kasama ang kanyang pamilya at ang kasintahang si volleyball player Kim Kianna Dy.
Magiging abala na si Ramos sa mga susunod na linggo dahil nakatakda na itong tumulak sa Japan para makasama ang Hokkaido Levanga para paghandaan ang Japan B.League season.
Hindi na makalalaro si Ramos sa Asian Games sa Hangzhou, China.
“Hopefully it helps me have a great B.League season this year. That’s what I’m hoping for,” ani Ramos.
Masaya si Ramos sa naging karanasan nito sa FIBA World Cup na nais nitong dalhin sa kanyang paglalaro sa Japan B.League.
“It feels good. There’s a lot of good players, high-level basketball, and I’m coming into the B.League season with a lot of confidence and it should be good,” ani Ramos.