Gilas silat sa Dominican Republic
MANILA, Philippines — Tinakasan ng World No. 23 Dominican Republic ang No. 40 Pilipinas, 87-81, sa pagsisimula ng 2023 FIBA World Cup sa harap ng record gate attendance na 38,115 fans kahapon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Humakot si NBA star Karl Anthony-Towns ng 26 points at 10 rebounds para sa 1-0 marka ng mga Dominicans sa Group A.
Nakaapekto sa opensa ng Nationals ang pagkaka-foul out ni Fil-Am Jordan Clarkson sa huling 3:32 minuto ng fourth quarter kung saan sila naghahabol sa 76-79.
Tumapos ang Utah Jazz star guard na may 28 points, 7 boards, 7 assists at 2 steals.
Sa unang laro, aagad nagposte ng panalo ang World No. 10 Italy, No. 18 Montenegro, No. 3 Australia at No. 29 Latvia.
Umiskor si NBA star Simone Fontecchio, nag-lalaro para sa Utah Jazz, ng 19 points para sa 81-67 paggupo ng mga Italians sa No. 41 Angolans sa Group A sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Nag-ambag si Stefano Tonut ng 18 markers at may 12 points si Giampaolo Ricci.
“I apologized to my players because I was completely under stress. I didn’t support them. I was negative. And they felt that,” sabi ni coach Gianmarco Pozzecco.
Sasagupain ng Italy ang Gilas Pilipinas sa Martes sa Smart Araneta Coliseum habang mauunang harapin ng Angola ang mga Pinoy cagers sa Linggo sa parehong venue.
Kinuha ng mga Angolans ang 9-2 bentahe at nakadikit sa halftime, 41-43, bago itakbo ng mga Italians ang 79-67 sa hu-ling dalawang minuto ng fourth quarter sa likod nina Fontecchio, Tonut at Ricci.
Sa MOA Arena sa Pasay City, humataw si center Nikola Vucevic ng 27 points mula sa 11-of-15 field goal shooting para sa 91-71 dominasyon ng Montenegro sa No. 31 Mexico sa Group D.
- Latest