MANILA, Philippines — Hindi rin nakapasok si Robyn Brown sa semifinals ng women’s 400-meter hurdles sa 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary.
Tumapos ang Fil-American hurdler sa pang-pitong puwesto sa walong partisipante sa kanyang oras na 56.83 segundo sa heats.
Tanging apat na runners lamang ang aabante sa semis sa grupo ni Brown.
Ito ay sina Jamaican Janieve Russell (54.53 segundo), American Anna Cockrell (54.68 segundo), Panamanian Gianna Woodruff (56.31 segundo) at Canadaian Savannah Sutherland (55.85 segundo).
Hindi rin nakuha ni Brown ang 54.85-second requirement para sa automatic berth sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Sa kabuuan ay laglag ang reigning Asian champion na si Brown sa No. 35 sa hanay ng 41 runners na pinamunuan ni Femke Bol ng Netherlands sa kanyang best time na 53.39 segundo.
Nauna nang minalas si Eric Cray, ang six-time Southeast Asian Gmes men’s 400-meter hurdles champion, sa kanyang event.
Nagtapos ang 34-anyos na si Cray sa seventh place sa heats sa kanyang tiyempong 50.27 segundo.
Bigo si Cray na makuha ang 48.70-second requirement para sa outright Olympic spot.