Cray minalas sa world meet

Fil-Am trackster Robyn Brown

MANILA, Philippines — Bigo si Olympian Eric Cray na makasama sa semifinals ng men’s 400-meter hurdles sa 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary.

Nagsumite ang six-time 400m hurdles Southeast Asian Games gold medalist ng bilis na 50.27 segundo para sa seventh place sa Heat 2 ng event kung saan ang top four sa siyam na partisipante ang aabante sa semis.

Hindi rin nakuha ng 2016 Olympian ang 48.70-se-cond requirement para sa tiket sa 2024 Paris Games.

Ang nasabing oras ay mas mabagal sa personal best na 49.71 segundo ni Cray na nailista niya sa nakaraang Johnny Loaring Classic sa Canada noong Hunyo at sa kanyang national record na 48.98 segundo na nagawa niya sa Spain noong 2016.

Ang apat na pumasok sa semis ay sina Kyron McMaster (48.47 segundo) ng British Virgin Islands, Rasmus Magi (48.58 segundo) ng Estonia, Trevor Bassitt (48.73 segundo) ng USA at Wiseman Were Mukhobe (49.10 segundo) ng Kenya.

Samantala, nakatakdang sumabak sina Fil-Am Robyn Brown sa women’s 400m hurdles at World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.

Tanging si Obiena pa lang ang Pinoy athlete na nakasikwat ng Olympic berth sa Paris matapos malundag ang Olympic standard na 5.82 meters sa nakaraang Bauhaus Galan event sa Sweden noong Hulyo.

Show comments