^

PM Sports

Upscale Bell masusubukan ang husay

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasalang sa pista ang batang kabayong Upscale Bell para kilatisin ang mga makakatunggali sa 2023 Philracom “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na ilalarga bukas sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jo­nathan Basco Hernandez, inaasahang mapapalaban ang Upscale Bell kontra apat na tigasing kabayo sa distansyang 1,200 meter race.

May garantisadong premyo na P1.2 milyon, ang iba pang kalahok ay ang Amor My Love, Bravemans­game, Heartening To See at Sonnet Forty Three.

Susungkitin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000, habang tig P150,000 at P60,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Hahamigin naman ng breeder ng winning horse ang P60,000 at may tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom). 

Samantala, tiyak na inaabangan na rin ng racing aficionados ang Lakambini Stakes Race na pakakawalan sa susunod na buwan.

Inaasahang ilalabas ng Philracom ang mga gustong maglahok sa mga susunod na araw, may habang 1,600 meter ang kanilang tatakbuhin.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with