^

PM Sports

Gilas lineup bangas na naman!

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang araw bago magsimula ang FIBA World Cup, bangas na naman ang lineup ng Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos mapaulat na hindi na makalalaro pa si Poy Erram na may iniindang injury sa kanyang tuhod.

Nakita sa pagsusuri na namamaga ang tuhod nito at nangangailangan na ng agarang atensiyong medikal para hindi na lumala pa.

Posibleng sumalang ito sa operasyon na nanga­ngailangan ng ilang buwan na pahinga.

Dahil dito, hindi na ma­kalalaro si Erram sa FIBA World Cup at posible rin sa ilang laro ng Talk ’N Text sa nakatakdang pagbubukas ng PBA season.

Nauna nang nawala sa Gilas Pilipinas si reigning PBA MVP Scottie Thompson na nagtamo ng injury sa kamay.

Gayunpaman, masu­werte ang Gilas Pilipinas dahil malalim ang pool nito.

Inaasahang papalit sa puwesto ni Thompson si CJ Perez na sinubukan na ni head coach Chot Reyes na maging point guard ng Gilas Pilipinas sa pocket tournament sa Guangdong, China.

May ilang bigmen din na nakalinya sa Gilas Pilipinas kapalitan ni Erram gaya nina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Papasok na rin sa trai­ning camp si Kai Sotto na sumasailalim pa sa rehabi­litasyon mula sa kanyang back injury.

Dagdag na puwersa pa ang pag-entra ni NBA star Jordan Clarkson na dumating na sa Maynila noong Martes. 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with