^

PM Sports

Chot mahihirapang pumili ng Final 12

Chris Co - Pang-masa
Chot mahihirapang pumili ng Final 12
Chot Reyes.
FIBA

MANILA, Philippines — Mahihirapan pumili si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ng Final 12 na ilalaban sa FIBA World Cup na papalo sa Agosto 25 sa Philippine Arena.

Wala pang pinal na desisyon si Reyes sa magiging official lineup ng Gilas Pilipinas mahigit tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang FIBA World Cup

Aminado si Reyes na mahihirapan itong pumili ng Final 12 lalo pa’t maganda ang inilalaro ng lahat ng miyembro ng 20-man Gilas Pilipinas pool.

Ito ang pinakamahirap na tungkulin ni Reyes sa pagbuo ng 12-man final lineup tulad ng naging trabaho nito sa 2007 FIBA Asia Cup sa Tokushima, China.

“I remember in the 2007 in Tokushima, our final cuts were James Yap, Ranidel de Ocampo and Tony dela Cruz. We have to make it to the final 12 and those were very, very tough cuts,” ani Reyes sa programang Power and Play.

Alam ni Reyes na mahirap itong gawin ngunit wala itong magagawa dahil bahagi ito ng kanyang tungkulin.

“We’re going to face the same (for the 2023 Gilas batch). It’s going to be very tough, it’s part of the job,” ani Reyes.

May mga kwalipikasyon si Reyes na gagamitin nito para makapasok sa Final 12

Kasalukuyang sumasalang ang Gilas Pilipinas sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa Guangdong, China.

CHOT REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with