^

PM Sports

Unang female skater sa Winter Olympics isusulong ng Skating Union

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Determinado ang Philippine Skating Union na magkaroon ng kauna-unahang female skater ang tropikal na bansang tulad ng Pilipinas sa prestihiyosong Winter Olympics.

Ito ang pangako at mis-yon ng PSU sa pangu­nguna ni president Nikki Cheng, tampok sina Sofia Frank at Isabela Gamez bilang napipisil na pambato upang maisakatuparan ang pangarap na ito.

“Ang pangarap pa din is to bring a female skater to the Olympics. It’s a milestone that we want to happen,” sabi ni Cheng sa sa Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Forum.

Upang magawa ito ay may mga nakapilang local at international events ang PSU simula sa Southeast Asian Trophy: Manila Series sa Oktubre.

Magkakaroon din ng National Figure Skating Championship sa Nob­yembre bago ang palabas na Carols on Ice na parehong gaganapin sa SM Skating Mall of Asia.

Bukod dito ay kumuha ng dalawang foreign coaches ang PSU para sa iba’t ibang camps tampok ang mga miyembro ng national team pool.

Inimbitahan din ng PSU ang isang Olympian mula sa United Kingdom upang magdaos ng skating clinics habang dagdag na suporta ang pagpapasinaya ng ice skating sa Physical Education (PE) ng National University para sa 900 estudyante nito.

Lahat ito ay para mapalakas ang tsansa ng Pinas na madupilika ang nagawa ni Michael Christian Martinez sa 2014 at 2018 Winter Olympics tampok ang 18th at 28th place finishes, ayon sa pagkakasunod.

Siya ang kauna-una­hang Southeast Asian athlete na nakasali sa Winter Olympics.

PHILIPPINE SKATING UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with