^

PM Sports

Bay Area babawi sa GSM sa Commissioner’s Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang magbabalik sa PBA ang guest team na Bay Area Dragons para sa 2023-2024 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ang inihayag ng koponan kahapon kung saan ang Hong Kong ang kanilang magiging home court para sa mga torneong nakaabang tulad ng PBA at East Asia Super League.

“We expect the Dragons to bring Hong Kongers immense excitement, inspiration and pride. Dragons’ games will be the hottest sports tickets in town,” sabi ni EASL CEO and co-founder Matt Beyer.

Mismong EASL ang bumuo sa koponan na binubuo ng mga players mula sa China, Hong Kong at Chinese Taipei na tatawagin ngayong Chun Yu Bay Area Dragons mula sa Bay Area Dragons noong nakaraang.

Sa Southorn Stadium sa Hong Kong ang magiging homecourt ng Bay Area na wagi bilang bronze meda­list sa EASL Champions Week sa Japan ngayong taon.

Sa EASL sa Oktubre ay makakalaban ng Bay Area sa Group B ang Japan B. League champion na Ryukyu Golden Kings, Korean Basketball League runner-up Seoul SK Knights at PBA Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra.

Naging runner-up ang Bay Area sa Ginebra sa nakaraang 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Game 7 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan tampok ang PBA record na 54,589 fans.

Upang mailinya sa EASL at maihanda ang pambato na Ginebra at Governors’ Cup champion na TNT, unang idaraos ng PBA ang Commissioner’s Cup kasama ang Bay Area.

BAY AREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with