^

PM Sports

Cluster ginulat ang mga kalaban sa Division II ng Gran Copa

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binulaga ng Cluster ang mga liyamadong katunggali matapos nitong angkinin ang korona sa 2023 Araw ng Maynila “Gran Copa De Manila Division II noong Sabado ng hapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Maagang uminit ang Cluster, hindi nito hina­yaang makalayo ng todo ang matutulin sa largahan na Sky Story at Tell Bell.

Ipinuwesto ni jockey AM Bufete ang Cluster sa tersero sa kalagitnaan ng karera.

Pagsapit ng far turn nasa segundo puwesto na ang Cluster at sa huling kurbada ay nasa unahan na ang winning horse.

Nagpatuloy sa pag-arangkada ang Cluster sa rektahan kaya kahit malakas ang remate ng Prime Billing ay nauna pa rin itong tumawid sa meta.

Nanalo ang Cluster ng may isang kabayo ang agwat sa Prime Bil­ling, tersero ang Bad Boy MJ habang pumang-apat ang Sky Story sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Nilista ng Cluster ang tiyempong 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P480,000 premyo para sa winning horse owner na si FR. Sevilla.

ARAW NG MAYNILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with