^

PM Sports

Simula na ng pagsulong ng Philippine swimming--Buhain

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong kinilala na ng World Aquatics ang mga bagong opisyales ng Philippine Swimming Inc. (PSI) ay kumpiyansa si secretary general Eric Buhain na ito na ang simula ng pagsulong ng nasabing sport.

“The storm has passed for Philippine swimming and, as we now see calm waters, we must set our sails for a new and promi-sing voyage for our young and skilled Filipino swimmers,” wika ni Buhain, ang 1st District representative ng Batangas at premyadong swimmer sa kanyang panahon. “Join, one and all, and fly the national colors as one ship.”

Bukod kay Buhain, kinilala rin ng international swimming federation si Michael Vargas bilang bagong pangulo ng PSI pati na ang mga miyembro ng Board of Trustees.

Ayon kay Buhain, dapat nang kalimutan ang mga nakaraan at tutukan ang kinabukasan ng Phi-lippine swimming.

“Let’s now dwell in the bad experiences we’ve had in the past but take note of them to serve as our reminders on how to best serve this new association and our young pool of talents,” wika ng dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

 Inihayag din ni Buhain ang idaraos na national tryouts ng Luzon leg para sa mga miyembro ng Team Philippines sa Southeast Asian Age Group swimming championship na nakatakda sa Hulyo 7-9 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Center sa Vito Cruz, Manila.

“We also scheduled tryouts for Visayas and Mindanao also next month para mabigyan pa natin ng pagkakataong magsanay ang mga mapipili bago ang tournament ,” ani Chito Rivera, ang event organizer at board member ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA).

PHILIPPINE SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with