Beal ibinigay ng Wizards sa Suns
PHOENIX — Magiging bahagi na si Bradley Beal ng bagong ‘Big Three’ sa NBA.
Ito ay matapos pumayag ang three-time All-Star guard na mai-trade ng Washington Wizards sa Suns para makasama sina Kevin Durant at Devin Booker at magkaroon ng championship aspirations.
Ibibigay ng Phoenix sina veteran guard Chris Paul, Landry Shamet at isang package ng future second-round picks sa Washington.
Ibang Suns na ang maglalaro sa darating na season matapos kunin si head coach Frank Vogel bilang kapalit ni Monty William na gigiya naman sa Detroit Pistons.
Magsasama rin sina Durant at Booker sa isang training camp sa unang pagkakataon.
Sa kampo naman ng Wizards ay wala pang desisyon sina Kyle Kuzma at Kristaps Porzingis kung gugustuhing maging free agents sa pagtanggi sa kanilang player options.
Nangyari ang trade ng Washington at Phoenix isang linggo matapos talunin ng Denver Nuggets ang Miami Heat sa NBA Finals.
Nakipag-usap ang Heat sa Wizards para sa posibilidad na makuha si Beal at maitambal kay Jimmy Butler.
Samantala, sinimulan na ng mga fans ng San Antonio ang countdown para sa paghugot ng Spurs kay Victor Wembanyama ng France bilang No. 1 overall pick ng darating na NBA rookie draft.
Ang Spurs ang may hawak ng top selection at tiyak nang kukunin ang 7-foot-3 French phenom.
- Latest