Walang lehitimong point guard na kamolde nina Hector Calma, Johnny Abarrientos, Olsen Racela, Jimmy Alapag o LA Tenorio ang training pool para sa parating na FIBA World Cup.
Sa halip, tataya si coach Chot Reyes sa mga converted point na gaya nina Scottie Thompson at Chris Newsome.
Obviously, mas minabuti ni coach Chot ang size at versatility kaysa legit point para gumiya sa koponan.
Puwede!
May versatility rin sa wing sa pangunguna nina Jordan Clarkson, Jamie Malonzo at Japan league mainstay Dwight Ramos.
Ang frontcourt muscle eh, manggagaling kina June Mar Fajardo, Kai Sotto, Japeth Aguilar at maaaring si AJ Edu.
Ang tanong eh, ang kakayahan ng mga shooters sa katauhan nina Malonzo, RR Pogoy, Calvin Oftana at Bobby Ray Parks. Makatulong din kaya ang mga gunners/slashers na sina CJ Perez, Thirdy Ravena at Rhenz Abando.
Ang mga ito ang kasama sa pagpipilian para sa Gilas Final 12 na haharap sa Italy, Domican Republic at Angola sa FIBAWC23.
Kasama sa pool si Justin Brownlee, pero malamang na ma-relegate siya sa Gilas 12 para sa Hangzhou Asian Games na ilalaro kasunod ng World Cup.
Suntok sa buwan ang tsansa sa World Cup, pero maganda ang laban sa Asian Games kung ito ay bibigyan ng pansin.
Sa mahabang dekada, ang silver medal showing pa rin nina coach Robert Jaworski noong 1990 sa Bangkok ang best finish ng Philippines sa Asian Games. Alat!