^

PM Sports

Pinoy tracksters hataw ng 3 ginto

Chris Co - Pang-masa
Pinoy tracksters hataw ng 3 ginto
Naka-senyas ng No. 1 si King James Reyes matapos angkinin ang ginto sa athletics event ng Asean Para Games sa Cambodia.
APG photo

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ng pambansang delegasyon matapos kumana ng tatlong gintong medalya sa athletics sa pagpapatuloy ng 12th Asean Para Games na ginaganap sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.

Mainit ang pagbawi ni King James Reyes nang pagharian nito ang men’s 800 meters T46 sa bilis na dalawang minuto at 13.22 segundo kung saan tinalo nito sina silver medalist Muhamad Ashraf Hais­ham ng Malaysia at bronze winner Tran Van Duc ng Vietnam.

Magandang panalo ito para kay Reyes na nagkasya lamang sa pilak na medalya sa kanyang unang dalawang events — sa 5,000m at 1,500m.

“Ang pamilya ko po ang inspirasyon ko,” ani Reyes.

Sumama rin sa sele­bras­yon sina throwers Rosalie Torrefiel at Andrei Kuizon na kumana ng tig-isang ginto sa kani-kanyang events.

Nanguna si Torrefiel sa women’s javelin F11 habang naghari naman si Kuizon sa men’s shot put F54/34.

“Our goal is to improve on our six gold last time and we’re close to achieving that,” ani athle­tics coach Joel Deriada.

Sa kabuuan, mayroon nang 15 ginto, 18 pilak at 18 tanso ang Pilipinas sa APG sapat para sa ikalimang puwesto.

Nangunguna ang Indonesia na may 71-61-41 kasunod ang Thailand (46-49-36), Vietnam (31-29-45) at Malaysia (30-23-14).

“We’re still on target in surpassing the 28 gold medals who won last year in Surakarta,” ani PSC commissioner and chef-de-mission Walter Torres.

Sa Morodok Aquatics Center, nakahirit lamang si Ariel Joseph Alegarbes ng pilak sa 100m butterfly S14 tangan ang naitala nitong 1:00.73.

ASEAN PARA GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with