Career ni Belo bubuhayin ni Guiao sa Rain or Shine

Si Mac Belo sa isang laro nito sa Meralco Bolts.

MANILA, Philippines — Ito na siguro ang hinihintay na malaking break ni Mac Belo.

Kahapon ay pinapirma ng Rain or Shine ang da­ting King Tamaraw ng Far Eastern University sa isang one-year contract para sa darating na PBA Season 48.

Kasama ang 6-foot-4 na si Belo sa Gilas Pilipinas special draft noong 2016 kung saan siya kinuha ng Blackwater bilang No. 3 overall selection.

Noong 2021 ay i­bi­ni­gay ng Bossing ang 30-anyos na tubong Midsayap, Cotabato sa Meralco Bolts kapalit nina point guard Baser Amer at center Bryan Faundo.

Kagaya sa Blackwater, hindi rin umangat ang career ni Belo sa Meralco.

Pero may nakita si se­ven-time PBA champion coach Yeng Guiao kay Belo kaya niya ito kinuha para sa Rain or Shine.

“We will give him the opportunity to revive his career, revive his confidence,” wika ni Guiao sa pagbibigay niya ng tsansa kay Belo. “The rest, nasa kanya na iyon.”

Noong Mayo 18 pa nakuha ng Elasto Painters si Belo mula sa Bolts kapalit ni 6’7 Norbert Torres pero kahapon lamang naplantsa ang kanilang kasunduan.

Isasabak ng Rain or Shine si Belo sa PBA On Tour para maibalik ang kanyang katawan, kondis­yon at kumpiyansa sa sarili.

Show comments